Kasi minahal mo yun eh. Minsan sa buhay mo ay naging masaya ka dahil sa kanya. Kahit na sabihin mo pang masaya ka na sa kung anong meron ka ngayon, di mo pa rin maikakaila sa sarili mo na minsan, sumasagi pa rin siya sa isip mo, at naiiisip mo na kung ano nga ba ang sitwasyon ngayon kung hindi kayo nagkahiwalay.
Yun bang naaalala mo siya pero hindi mo na gustong bumalik pa siya kasi masaya ka na. Naaalala mo siya, pero hindi ibig sabihin na naiiisip mo siya ay mahal mo na siya ulit.